life ko daw o.

November 10th, 2006 by nesh-13

nakuha ko kay danna to… coolness…

 

 

   

 

 

   

 

 

   

 

 

   

 

 

   

 

 

   
Life: 5.6
Mind: 6.2
Body: 5
Spirit: 5
Friends/Family: 2.9
Love: 5.4
Finance: 5.2

 

nyahahaha…. eto yung mga winner eh…

Friends/Family: Your friends and family rating measures your
relationships with those around you, and is based on how large,
healthy, and dependable your social network is.
You scored at the very low end for friends and family. This means that
your social network is weak and not functioning.
Consider
re-establishing old bonds as you work on forging new ones. You will be
greatly rewarded in return.

Love: Your love rating is a measure of your current romantic
situation. Sharing your heart with another person is one of life’s most
glorious, terrifying, rewarding experiences. Your love score is fairly
average. Things could be worse, and thankfully they aren’t. But you
must work to improve this area, turn an average score into a great
score.

pati ba naman ang quiz nadedetermine na anti-social na tao ako. pakshit, i suck. turuan niyo nga ako magka-friends, pls? nyahaha.

wala lang…naaliw lang… ;)

seeeeeem break

October 25th, 2006 by nesh-13
			naalala kita pag umuulan SEMBREAK				naalala kita pag giniginaw SEMBREAK					naalala kita pag kakain na SEMBREAK						naalala kita ilang bukas pa ba							bago tayo ay magkita								ako'y naiinip na bawa't oras binibilang									sabik na masilayan ka-ha-hah


weeeeeeeeee!!!!

malapit na mangalahati ang sem break ko, and what have i accomplished?? absolutely nothing!!! hahaha… ay marami na pla..

i’ve watched the complete first season of desperate housewives in 2 days ata -> fun siya, yung humor niya ay yung nasabi sa fil40 class namin na considered mas "mature" humor dahil, well mostly ata dahil AMERICAN sila. ewan.

ive also finished a sidney sheldon book na pinamagatang "are you afraid of the dark?" -> at akala ko nakakatakot siya!!! haha… i was sooo wrong. ang layo ng title niya pramis. well, may basis siya pero so out of topic na ewan. at lalaki pala si sidney sheldon? hmm.. or baka mali basa ko.

uh… i saw sam and pen knina? hehe. naghang out kami sa bahay nila sam(as usual). inaway namin si sam dahil sa bf niya… ay mali, inaway lang pla namin bf niya.harhar. (as if may right ako magmarunong, tsktsk). i hate hearing problems that i can relate to.. hehe. its so much better kung hindi nalang pinapansin ang kagaguhans in life. wahehe.

ay ay magkkwento pala ako ng sem ko! -siyempre nauna yung sembreak bago yung sem- haha. ang weird ko. pero ayun. hmm… 2 best moments of the sem…

1) nung natapos ang fr (which was on the morning ng oct 21)… i was sooooo glad application was finally over!!! ssooobrang relief grabe!!! at waw kasali na ko sa isang org…haha… feeling ko its so not like me…ha deh. how konyo. pero ayun… UP KEMer na daw ako! haha.. hindi ko talaga siya feel… hindi ako ganun ka-attached like other people are e. example lang, si marco ay GPs na and sobrang at home siya sa tambien nila at buddy buddy na siya with people. ako talaga hindi eh…    hay… when will i learn to socialize like a normal person?? haha.. ang damaged ko talaga

2) na-exempt ako sa chem153 finals!!! woohoo.. actually medyo may daya yun kasi tiningnan lang ni maam yung long exam scores namin at di yung overall. buti nalang anghel si maam! grrraaaabeee.. well, sana nga exempted talaga ako. hindi na kasi ako bumalik dun e. malay ko kung mali pala yung student number na nakita ko dun sa list na nakapost…waah..wag naman sana!!! huhuhu

ayun…asumming exempted nga ako sa chem…es21 nalang yung subject ko na in trouble ako. pano ba naman kasi kealangan ko pa ng 60% sa finals para pumasa! waaah ang loser ko talaga. parang lagi nalang akong malas. sabi kasi nila madali lang yung finals but nooo…. parang lahat ng HINDI ko inaral yung lumabas!waaahh… ganun din sa 11 dati e. sab nila madali lang finals! but noooo…. problem solving na multiple choice siya!!! cmon!!! haha… tapos this sem ginawa nilang sobrang dali…tsktsk…evil teachers….

may isang evil teacher sa es dep. and by evil, i mean EVIL talaga pare!!! ang soobrang imaginative ng mga questions niya a!->translation nito ay sobrang di ko maintindihan at maprocess. hindi talaga fair sa mga hamak ng bobong nilalang tulad ko!!! waaaaah… sana pumasa ako… nagbakasyon na daw kasi teacher namin e… waaah…

ayun…mahaba na to…. na depress na pala ako dahil sa 21..huhu. time to sleep.

Suntok sa Buwan

August 19th, 2006 by nesh-13

                  Hindi mo ba alam

                              damdamin ko’y pinagtakpan,

                                         makasamay ka’y suntok sa buwan…

pc break muna before i drown myself in work kasi nawalan ako bigla ng extra weekend day bukas dahil required pala pumunta sa school. Ha deh. oh well. at least for sure na hindi ako mag-aabsent ng physics sa tues kung sa knl ako matutulog bukas. 

May bagong album ang session road. sana makabili ako. haha. ang lamya naman ng walang pera at nawalan ng fone. tsktsk…. shet… i miss my fone sobra… nakakita pa ko kahapon ng kapareho ko ng fone… huhu… so sad. 

Gusto ko na pala matapos ang sem. gusto ko na malaman ang magiging grade ko. haha. bad trip kasi e. wala pang results yung 1st exam sa ChE32 at chem153… hellloooo??? ang tagal tagal na po pls… end the torture!!! gusto ko na malaman kung gaano na ko ka-in trouble sa mga subjects ko.

hay. napaisip ako dun sa tinanong pala ng isang alumni kahapon. what makes you unique? ayooon. nakakatanga yung question e. hindi ko po alam e. wala po yata eh. unique po ang dna ko. yun sigurado ako. unique din po ang fingerprints ko. sigurado din ako dun.  hehe. what makes you unique? mahilig ka bang kumanta? sumayaw? parang hindi na po unique pag ganun kasi marami namang mahilig dun pero wala po akong talent sa mga ganun.

may masasagot ka ba na matino sa tanong na yun? ako wala talaga eh. haha. Ive always thought of myself as un-unique. haha. may sayad ako minsan, pero napansin ko marami ring tao ang ganun eh. wala rin akong special skills or talent whatsoever. hehe. wala lang. ang hirap sagutin e. pag ininterview ka ba sa trabaho mga ganun ang itatanong sayo? nakakawindang talaga e. ano bang matinong sagot dun?? hmm….. pwede bang yung tipong scripted na "i am unique because i’m loyal and i’m devoted to attaining… whatever churvaness…." haha. wala lang. baka kelangan talaga may script. oh well. may 3 yrs pa ko bago kelangan ko pag-isipan ata yun. ngayon, homework nalang muna.

                     di mo napapansin,

                           kelangan mo akong dinggin.

                                     di habang buhay ika’y aantayin.

                     ito’y aking hiling.

                            at sana naman ay tanggapin

                                     nang puso ko’y di nabibitin.

Random

August 18th, 2006 by nesh-13

                           Do you have the time to listen to me whine

                                   About nothing ang everything all at once?

Ive used this song before. wala lang. I just like this line a lot kasi totoo siya sa karamihan ng thoughts ko. haha. yey. here goes.

Yesterday was a bad day. A very, VERY bad day. The night before kasi natulog ako na sobrang sakit ng ulo ko. Nagising ako the next day na hilo naman kaya di na ko pumasok ng physics at es. tapos kumain ako lunch sa knl at nagpunta sa fil40 class ko. after that we had practice ng coapps sa engg. hayun. dun ko natuklasan na nawawala ang fone ko sa bag ko. hayup tlga. binalikan ko yung kinainan ko sa knl, sa bhaus, pinuntahan si anne kasi baka naiwan ko sa car niya, then sa cal avr kaya lang may acle na dun at di na ko makasingit. sobrang bad trip. tapos kelangan ko pa bumalik sa engg dahil may practice pa nga. tapos nagcram pa kami ng kung anu-ano para sa apps talent show. tapos di naman namin napresent ang pinagpractisan namin ng matino. walang kwentaaaaaaaaaa…..

natanga na nga lang ako habang nagt-ts e. kasi di ko maintindihan kung yung nangyayari sa harap ko ba dapat yung iniisip ko o yung kung nadukot ba tlga yung fone ko or nahulog siya sa bag ko dahil sa sobrang katangahan ko. hayun… naluha nga ako nung nakita ko na umiiyak yung isa kong coapp… magkahalong frustration at relief na whatever… hayooooon…. tapos high na ko na hindi the rest of the night….shet ang loser ko. jutaaaaaaaa………………

<random> may sense ba yung close-up toothpaste na may calcium sa gitna? na-aabsorb ba tlga ng ngipin ang calcium through contact lang ng ganun? hindi ba parang dapat dinidigest siya and everything? shet…. kelangan ko tlga malaman ang nga ito eh. haha.

<random> ang weird ng dream ko kninang hapon lang. nagising daw ako nung gabi na may mumu ng matandang mama hovering over me na gusto kainin ang soul ko…  as in yun talaga yung sinasabi niya ah.."kakainin ko ang SOUL mo". oo talaga e. konyo yung mumu. tapos natakot naman daw ako kaya sinakal ko daw yung mumu at nagchchoke naman siya. hayun. dun nagclick sa utak ko na "juta, ang tanga ng panaginip na to" at gumising na ko agad. haha. hayun. 7pm ako nagising. moral of the story: wag matulog ng 5 ng hapon dahil bumababa ang quality ng panaginip.

ay may exam nanaman sa chem 153 sa wed. at wala parin ang results ng unangg exam namin. dem it. wala akong ka-alam-alam sa 153. waaaahhh… nagkakalat ako sa subjects ko. di pa ko pumapasok ng es. haha. nagkakalat din ako dun eh. yung 2nd exam ko may blank ba naman akong isang number!!! jutaaa…. ang dali-dali lang naman niya pero di ko tlga naisip nung nag-eexam ko. jutaaaaaa…. i hate it…. ang tanga tanga. rar.

pero mas tanga parin yung nangyari sa fone ko!!! waaaah…. sana talaga naslash nalang yung bag ko para alam kong hindi ko lang siya nahulog or something. nakakainis!!!!! rar….. jutaaaaaaa…….

hay. hayun lang. the end.

I am one of those melodramatic fools.

Neurotic to the bone, no doubt about it.

                  Sometimes i give myself the creeps.

                      Sometimes my mind plays tricks on me,

                             It all keeps adding up. I think I’m crackin up.

                                      Am i just paranoid or am i just stoned??

May 27th, 2006 by nesh-13

Hope, which whispered from Pandora’s box only after all the other plagues and sorrows had escaped, is the best and last of all things. Without it, there is only time. And time pushes at our backs like a centrifuge, forcing us outward and away, until it nudges us into oblivion.

Like all things in the universe, we are destined from birth to diverge. Time is simply the yardstick of our separation. If we are particles in a sea of distance, exploded from an original whole, then there is a science to our solitude.

We are lonely in proportion to our years.

                                                                — Tom Sullivan, The Rule of Four

a gift of colours

May 23rd, 2006 by nesh-13

it’s now may 23, 2006. 11:04 pm. im waiting for midnight. magiging pumpkin na ako e. hehe. wala lang. halos buong summer class di ako nagsulat dito. kinarir ba daw ang summer? deh… ala lang. corny eh. walang kwenta yung chem 31. mataas grade ko pero parang ala akong natutunan. nagmemorize lang ng mga reactions… na kinalimutan ko na ngayon. hehe. ang corny talaga. oh well. at least tapos na ko sa mga chem lab.

hmm. let see..major things that happened: i turned 19… boo…. pangit yun. ang tanda ko na. hindi ko nga na feel na teenager ako tapos tapos na agad?? boo… pangit talaga.  hehe.

tapos, my sister got married. yeah. nung weekend lang. galing nga eh. instant wedding. 3 weeks lang ata ang planning. tapos maid of honor ako. parang tanga. pinagtoast pa ako eh. pero di ako gumawa, yung cousins ko yung pinagawa ko. nyahahaha. scripted toast. so funny. i swear kailangan ko matuto ng matinong public speaking. ang lamya ko e! wahehehe….

wala lang.. so ayun ing a few months time, 3 families na ang nakatira sa house namin. who wouldve thought kasya ganun karaming tao dito when dati ako lang lagi mag-isa sa house? haha… funny lang…

hmm.. tapos.. lilipat na si marco sa diliman. yey. well, aayusin pa yung papers and everything. di pa kasi tapos summer nila kaya di pa niya maasikaso. ayun. madami pa ngang aasikasuhin. sana maayos ang lahat.

oh yeah… i just found out pala… one of my best friends from elem is leaving the country narin. lilipat silang texas. ok na sana eh.. kasi may chance na makikita ko pa siya uli.. pero why o why naman na sa kabilang side ng america nanaman?? waah… yung nanay ko pa naman parang aliw na aliw sa new york. pabalik balik dun. so malamang kailangan ko rin magstay kung san siya… hay…

bakit nga ba lahat nalang ng tao umaalis?  really… sobrang bihira ng taong makikilala mo na walang balak umalis ng pilipinas. ang sad. you can’t really blame people for wanting a better life. ang sad lang na ganun kapangit yung tingin nila dito. ewan. baka ala lang talaga akong alam. pero tingin ko kasi mahirap naman kahit saan eh. oh well… basta yun… ayan… 11:30 na. malapit na ko maging pumpkin. hehe. 

Easter Bunny Ckheil

April 15th, 2006 by nesh-13

Bunny_baby

hehe… pamangkin ko pinagtripan ko ang pic… alang magawa e..

happy easter :D

Wake me, Im ready

April 14th, 2006 by nesh-13

                                                    Lately, I’ve been
                    Livin’ in my head
                                                           The rest of me is dead,
                              I’m dying for truth.

so bored… rar…. i have done nothing but eat, sleep, watch tv, download more stuff to watch, eat, sleep… i am desperate to go somewhere not here and not in school… i wanna go to a beach!!! like now na!!! waaah… it sucks that i live in a tropical country and but i havent seen the beach for years now… well, nakita ko pala last year…pero it doesnt count kasi nakawintercoat ako nung nasa beach na yun at tingin ko lang suicide maligo dun sa mga araw na yun… baaaah.. this sucks….

oo nga pla… bakasyon na…for like 2 weeks na… pero papasok nanaman sa monday…booo…. at miraculously pumasa pala ako sa lahat ng subjects ko last sem! yes! 3 ako sa es 11… sinabi ko na sa buong pamilya ko na bagsak ako dun.. ang ganda nga ng reply ng nanay ko eh:

"magdasal ka na. shift ka na sa bs chem or pharmacy…"

nice one, inay! panalo talaga.. ang lupet magcurve ng es dep! yey!

ayun… um…ano pa ba? wala na eh…soooo bored…. ayoko pa pumasok… chem 31 nga pala kukunin ko… 6 full hours of pure chem fun everyday… i cant wait… waaaahhhhh….. yung iba magche-ChE 131 or es 21 na para ahead sila, pero ako kelangan ko magchem ngayon para lang humabol… crap…. crap….crap….

oh well… yun na muna…

                               Wake me, I’m ready,
                                         Somethin’ don’t seem right,
                                                 I was dreamin’, I was talkin’ to you

Invictus

March 26th, 2006 by nesh-13
Out of the night that covers me,

Black as the Pit from pole to pole,

I thank whatever gods may be

For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance

I have not winced nor cried aloud.

Under the bludgeonings of chance

My head is bloody, but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears

Looms but the horror of the shade,

And yet the menace of the years

Finds, and shall find me, unafraid.

It matters not how strait the gate,

How charged with punishments the scroll,

I am the master of my fate;

I am the captain of my soul.

With eyes, tired minds and tired souls, we slept

March 18th, 2006 by nesh-13

Ngarag.

current state of mind = blank.

nyahaha…yan ang nagagawa ng tatlong exam sa isang araw. at hindi pa finals yung mga yun! shet…mamamatay ako kung finals yung mga yun o…

physics72,chem28 at es11 exams ko kahapon…sulit o… bali, passing lang ang standing ko sa 72 at 28 at soooobrang failing naman sa 11… tsktsk… pag bobo nga naman o…

bad trip. sana ipasa ko man lang yung chem. nyahaha…oh well… yung es exam was a disaster… siya yung huling exam ko ng 4-6pm.  kasi ganito yan… yung sunday pa ko nagsisimula mag-aral sa es.. nagbasa ako nung sunday at nagsosolve ako ng moment of inertia problems nung monday…bali nung mga araw na yun.. marunong pa ko magintegrate ng mga simpleng bagay… pero, alam naman naming lahat na impossible magbigay ng ganun kasimpleng problem sa exam. at dahil hindi ako makasagot nung mga tipong 3d problems na we were almost sure na yun yung lalabas sa exam, pinabayaan ko na… ngunit come exam time….

lo and behold!!!

hindi pala 3d ang lalabas!!!! ang lalabas pla ay isang simpleng area lang!!! wahhh… tapos hindi ko na matandaan kung pano isinosolve yung ganun…waaah… di ko matandaan yung formula tpos di maprocess ng utak ko kung pano na magintegrate… hay…great… tapos nagpagisip isip ko lang kagabi na mali yung ginawa ko sa isang number. tsktsk. di pa ata ako makakakuha ng 10 pts… tsktsk… repeat na to o… nyahahahaha…. minsan talaga bobo e… aral pa gusto mo a…

sabi naman ni ate carol kung tatlo isang exam di tlga kakayanin..may isa talagang babagsak.. so hulaan nalang natin kung ano yung babagsak sakin…nyahahaha…. oh well…

basta pagod na pagod na ko… PAGOD NA PAGOD… gusto ko lang matulog kagabi pero hindi parin pwede… hay… minsan malungkot e. at least nakatulog na kahit papano… aaral naman para sa finals mamaya…

minsan talaga sooobrang lungkot e…